Seremonya sa Rizal Park na dadaluhan sana ni PBBM kaugnay sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, kinansela na dahil sa patuloy na pag-ulan

Dahil sa patuloy na pag-ulan ay kinansela na ang mga seremonya sa Rizal Park sa lungsod ng Maynila na dadaluhan sana ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong umaga.

Ang mga aktibidad kaugnay ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan na gagawin sana ngayong umaga sa Rizal Park ay ang wreath-laying ceremony sa bantayog ni Jose Rizal sa Rizal Park sa Maynila.

Pero tuloy naman ang aktibidad sa Quirino Grandstand na dadaluhan ng pangulo, ito ay ang pagtataas ng bandila at Grand Parade.


Mag-uumpisa ang event ng alas-8:00 ngayong umaga.

Facebook Comments