Ilang commuters, ikinatuwa ang libreng sakay sa MRT kasabay ng selebrasyon ng Independence Day

Ikinatuwa ng ilang commuters ang libreng sakay sa Metro Rail Transit (MRT) ngayong araw kasunod ng selebrasyon ng Independence Day.

Ayon sa ilang pasahero, bukod sa maluwag ang sakayan ay malaking tulong na rin ang libreng sakay ngayon dahil menus gastos pa rin.

Matatandaan na nagpapatupad ang MRT at LRT ng mga libreng sakay, kapag nagkakaroon ng selebrasyon ang bansa.


Samantala, hiling naman ng ilang pasahero sana’y hindi lang tuwing may selebrasyon ang libreng sakay para naman hindi na dumagdag pa ito sa kanilang mga pang araw-araw na gastusin.

Facebook Comments