Singil sa kuryente ng Meralco, bababa ngayong buwan

Magkakaroon ng bawas-singil sa kuryente ang Manila Electric Company o Meralco ngayong buwan.

Sa anunsyo, bababa ng ₱0.72 ang kada kilowatt-hour ng kuryente para sa July electric bill.

Katumbas ito ng 72 pesos na bawas sa mga bahay na kumokonsumo ng 100 kilowatt hour; 144 pesos sa kumokonsumo ng 200 kilowatt hour; 216 pesos sa 300 kilowatt-hour; 288 pesos para sa 400 kilowatt hour at 360 pesos sa 500 kilowatt hour.


Paliwanag ng Meralco, nagmura ang kuryente mula sa suppliers o yung tinatawag na generation charge.

Facebook Comments