Sunday, April 26, 2026

EDSA-Ortigas Interchange, nanatiling sarado ngayong araw dahil sa pagkukumpuni ng mga nasirang road safety devices

Nanatiling sarado ngayong Linggo, April 26 ang EDSA-Ortigas Interchange habang nagpapatuloy ang clearing, cleaning, at pagkukumpuni ng mga nasirang road safety devices

Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), ito ay kasunod ng pagkasunog ng isang bus na nagdulot ng pinsala sa tulay noong April 24, 2026.

Isinasagawa rin ang load testing upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista bago ito muling buksan.

Ayon sa MMDA, papayagan lamang ang light vehicles na makadaan sa interchange simula bukas, April 27, 2026.

Nagpatupad na ang MMDA ng traffic management measures upang mapanatili ang tuloy-tuloy na daloy ng sasakyan habang isinasagawa ang repair at assessment sa lugar.

Facebook Comments