Monday, June 8, 2026

Malacañang, tiwalang magiging matagumpay ang pag-uusap ng Pilipinas at Czech Republic sa pagpapauwi kay Zaldy Co

Kumpiyansa ang Malacañang na maibabalik sa Pilipinas si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co kasunod ng pagbiyahe ni Justice Secretary Frederick Vida sa Czech Republic.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tiwala ang pamahalaan na maayos na maisasagawa ang proseso ng pagpapauwi kay Co.

Gayunman, sinabi niyang nakadepende pa rin ang mga susunod na hakbang sa magiging kasunduan ng Pilipinas at Czech Republic.

Nauna nang inihayag ng Palasyo na malinaw ang direktiba ng pangulo sa mga kinauukulang ahensya na gawin ang lahat ng nararapat at naaayon sa batas para sa pagpapabalik sa dating mambabatas.

Umaasa rin ang Malacañang na agad na maibabalik si Co sa bansa upang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Facebook Comments