
Iimbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang nangyaring engkwentro noong April 19 sa Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental, na nagresulta sa pagkamatay ng hindi bababa sa labing siyam na indibidwal, kabilang ang lider estudyante na si Alyssa Alano at community journalist na si RJ Nichole Ledesma.
Nagsasagawa na ng independent investigation ang CHR team sa Negros Island Region.
Ginawa ng CHR ang hiwalay na imbestigasuon kasunod ng napansin na hindi pagkakatugma sa mga pagkakakilanlan ng mga namatay.
Habang pinaninindigan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang mga nasawi ay miyembro ng NPA, iginiit ng ibang organisasyon na ang ilang mga biktima, kabilang sina Alano at Ledesma, ay mga sibilyan na nakikibahagi sa gawaing pangkomunidad.
Ayon sa CHR, sa ilalim ng International Humanitarian Law (IHL), kahit na sa konteksto ng non-international armed conflict, dapat kinikilala kung sino ang mga combatants at civilian.










