Sunday, April 26, 2026

Mga sanitary landfill operators, inatasan ng DENR na magsumite ng contingency plan sa sunog

Inaatasan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat ng sanitary landfill operators na magsumite ng contingency plan sa sunog at iba pang emergency sa loob ng 15 araw matapos ang isinagawang nationwide audit.

Ayon sa Environmental Management Bureau (EMB), lauon nitong maiwasan ang panganib sa kalusugan, ari-arian, at kapaligiran lalo na sa gitna ng matinding init.

Kabilang sa hinihingi ang malinaw na fire prevention at response measures, ang koordinasyon sa local government units (LGUs) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Mahigpit na pinaalalahanan ng DENR ang mga LGU na agad itigil ang operasyon ng open at controlled dumpsites, at ipatupad ang kanilang Safe Closure and Rehabilitation Plan.

Magsasagawa rin ng regular inspection ang EMB sa mga disposal facility upang matukoy ang high-risk areas at matiyak ang pagsunod sa batas.

Facebook Comments