
Sumalpok ang isang motortaxi rider sa isang SUV sa East Avenue, Quezon City kagabi, April 22.
Sa lakas ng impact, nasubsob ang ulo ng rider sa basag na windshield ng sasakyan.
Batay sa kuha sa video, sumalpok ang rider sa likurang bahagi ng SUV na umano’y nakahinto o mabagal ang takbo nang mangyari ang insidente.
Nagtamo ng sugat sa baba at ilong ang 31-anyos na rider at agad namang nalapatan ng paunang lunas.
Samantala, patuloy pang iniimbestigahan ng Quezon City Police District Traffic Sector 3 ang insidente.
Facebook Comments










