Sinovac, walang nakamamatay na side effects ayon sa isang vaccine official

60

Iginiit ng Sinovac Biotech na walang nakamamatay na side effect na naitala sa paggamit ng kanilang coronavirus vaccine.

Ayon kay Sinovac Hong Kong General Manager Helen Yang, ligtas at epektibo ang kanilang bakuna lalo na sa health workers at iba pang bahagi ng populasyon batay sa kanilang clinical trials.


Aniya, tanging muscle pain lamang ang kadalasang naiuulat na side effect ng kanilang bakuna at nawawala rin agad ito paglipas ng isang araw.

Sisikapin nilang maipadala ang kanilang produkto ngayong linggo o sa susunod na linggo.

Ang CoronaVac ng Sinovac ay nabigyan na ng emergency use approval ng Pilipinas.

Ang initial na 600,000 doses nito na donasyon ng China ay darating sa bansa sa mga susunod na araw.



Facebook Comments