
Bubuksan na sa darating na November 6, 2026 ang newly-rehabilitated na EDSA Busway Guadalupe Station para sa mas maginhawang pagbiyahe ng mga komyuter.
Magkasamang ininspeksyon nina Transportation Secretary Vince Dizon at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Banoy Lopez ang bagong istasyon upang tiyaking nakahanda na ito para sa paggamit ng publiko.
Sa gitna ng inspeksyon, agad na ipinag-utos ni Secretary Dizon ang paglalagay ng maayos na palikuran, ceiling fans, at karagdagang mga upuan para sa mas komportableng pag-aabang ng mga pasahero.
Inaasahang makatutulong ang rehabilitasyon ng Guadalupe Station upang mapabilis ang sakayan at mapaluwag ang daloy ng mga komyuter sa kahabaan ng EDSA.
Facebook Comments










