COSTUME PARTY PARA SA MGA BATA, IDINAOS SA APAT NA BARANGAY SA DAGUPAN BILANG BAHAGI NG NATIONAL CHILDREN’S MONTH

Nagdaos ng magkakahiwalay na costume party ang mga Sangguniang Kabataan sa apat na barangay sa Dagupan City bilang bahagi ng paggunita sa National Children’s Month.

Nagsuot ng iba’t ibang Halloween costume ang mga batang lumahok sa mga aktibidad sa Dupax, Bonuan Gueset, Bonuan Binloc at Bonuan Boquig.

Batay sa ulat, inorganisa ang pagtitipon ng mga SK council sa bawat barangay, katuwang si Councilor Tala Paras at ang Teen Center.

Layunin ng mga aktibidad na bigyan ng pagkakataon ang mga bata na makilahok sa mga gawaing inihanda para sa pagdiriwang ng National Children’s Month. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments