Matagumpay na nasagip ng Philippine Coast Guard o PCG, kasama ang apat na lokal na mangingisda, ang apat na indibidwal na tinangay ng malakas na agos ng dagat habang lumiligo sa karagatan sa Barangay San Francisco, San Fernando City, La Union noong Oktubre 30, 2026.
Agarang rumesponde ang mga kawani ng Coast Guard Station La Union Baywatch Team upang matulungan ang mga indibidwal na nahila ng malakas na agos.
Binigyang-diin ng PCG ang kahalagahan ng mabilis na pagtugon sa mga emergency sa karagatan bilang bahagi ng patuloy nitong pagsisiguro sa kaligtasan ng publiko at pagliligtas ng mga buhay.
Kaugnay nito, nagpaalala ang ahensiya sa publiko na mag-ingat sa pagligo sa dagat, lalo na sa mga lugar na may malakas na agos, mabatong baybayin at malalim na tubig.
Pinayuhan din ang lahat na sumunod sa mga babala at abiso sa kaligtasan, gayundin sa mga instruksiyon ng mga awtorisadong tauhan upang maiwasan ang anumang aksidente sa karagatan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








