SRP ng mga produktong pang-Noche Buena, ilalabas na ng DTI sa susunod na linggo

Nakatakdang maglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng suggested retail price (SRP) ng mga produktong pang-Noche Buena.

Sinabi ni DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco sa mga susunod na linggo ay mailalabas na nila ang mga “price guide” para sa Noche Buena products.

Kasabay nito, nanawagan ang DTI sa manufacturers na huwag munang magtaas ng presyo ng kanilang mga produkto.


Aniya, malaking tulong ito sa mga mamimili para mayroong pagpipilian ng mga produktong bibilhin ng consumers.

Facebook Comments