Tuesday, March 10, 2026

Senado, posibleng magdaos ng special session kahit Lenten break para sa panukalang pagbibigay ng emergency powers sa pangulo

Posibleng magdaos ang Kongreso ng special session para sa pagtalakay at pagpapasa sa panukalang emergency power kay Pangulong Ferdinad Marcos Jr.

Sa paggawad ng otorisasyon sa pangulo ay magkakaroon ito ng kapangyarihan na suspindihin o kaya ay bawasan ang excise taxes sa langis at produktong petrolyo.

Sinabi ni Senate President Tito Sotto III na handa silang magsagawa ng special session sakaling hindi maipasa ng Kongreso sa susunod na linggo ang emergency powers para sa pangulo.

Sa March 20 kasi ay session break na ng Senado at Kamara para sa Holy Week at sa May 4 ang muling pagbubukas ng sesyon.

Iniutos naman na ni Sotto ang pag-apura sa panukalang emergency powers sa pangulo kung saan inatasan niya ang Committees on Ways and Means at Energy na gawing prayoridad ang pagtalakay at pag-apruba sa panukala.

Facebook Comments