SUNOG, SUMIKLAB SA ISANG RESIDENTIAL HOUSE; GAMIT AT ARI-ARIAN, NAABO

Cauayan City – Nilamon ng apoy ang mga kagamitan at ari-arian sa isang residential house sa Brgy. Salungsong, Sta. Praxedes, Cagayan.

Ayon sa ulat, ang bahay ay pag-aari ni Jeffrey Romo, kwarentay dos-anyos.

Batay sa imbestigasyon ng BFP, wala umanong tao sa bahay nang sumiklab ang sunog.

Nagsimula umano ang apoy so a isang kwarto ng bahay at mabilis na kumalat dahilan upang tuluyan itong maabo kasama ang mga kagamitan sa loob nito.

Dalawang fire truck ng Sta. Praxedes Fire Station ang rumesponde sa lugar upang apulahin ang sunog.

Sa kabutihang palad, wala namang nasaktan na indibidwal o nadamay na kalapit-bahay sa nangyaring insidente at patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang posibleng sanhi ng sunog.

Facebook Comments