
CAUAYAN CITY – Nagpaalala ang Department of Health sa publiko kaugnay sa sakit na Hand, Foot, and Mouth Disease o HFMD.
Ayon sa ahensya, ang HFMD ay isang nakakahawang sakit dulot ng enterovirises habilang na ang coxsackievirus (‘kaksakivayrus’) A16 at enterovirus A71.
Ang nabanggit na virus ay madalas nakakaapekto sa mga batang edad limang (5) taon pababa, subalit maaari ring makaapekto sa mga matatanda.
Ayon pa sa DOH, maaaring makuha ang sakit sa paglanghap ng virus mula sa ubo o pagbahing ng taong may sakit, paggamit ng baso o kubyertos, at paghawak sa mga gamit nabahingan ng taong may dalang virus.
Karaniwang sintomas ng HFMD ay pagpapantal sa kamay at paa; lagnat at ubo; at singaw sa bibig.
Upang makaiwas, ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o sanitizer, iwasan din ang paghawak sa mukha lalo na ang ilong, mata, at bibig, laging i-sanitize ang nga kagamitan, at magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center kung may mga sintomas man ng HFMD.