Tuesday, May 19, 2026

DALAWANG DRUG SUSPECTS, ARESTADO SA MAGKAHIWALAY NA OPERASYON SA PANGASINAN

Arestado ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa magkahiwalay na operasyon sa Balungao at Bayambang, Pangasinan.

Sa Balungao, nahuli ng pinagsanib na puwersa ng PNP Balungao at PIT Pangasinan RIU ang isang 36 anyos na construction worker na itinuturing na High Value Individual (HVI) matapos ipatupad ang Search Warrant.

Nakumpiska mula sa suspek ang 3.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P23,800.

Samantala, inaresto ng Bayambang Municipal Police Station ang isang 34 anyos na electrician sa buy-bust operation na isinagawa sa koordinasyon ng PDEA RO1.

Nakuha mula sa suspek ang 2.5 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P17,000 at buy-bust money.

Ayon sa pulisya, isinagawa ang inventory at pagmamarka ng mga ebidensya sa harap ng mga mandatory witnesses at ng mga suspek alinsunod sa batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments