Wednesday, November 25, 2026

DALAWANG LALAKI, ARESTADO SA MAGKAHIWALAY NA BUY-BUST OPERATION SA PANGASINAN; SHABU, NASAMSAM

Dalawang lalaki ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Urdaneta City at San Jacinto, Pangasinan, kabilang ang pagkakasamsam ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Sa Urdaneta City, naaresto ang isang 34-anyos na lalaki sa operasyon ng Urdaneta City Police Station katuwang ang PDEA Region 1, noong Nobyembre 24.

Batay sa tala ng pulusya, nasamsam sa suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 0.79 gramo at tinatayang halagang ₱5,372.

Samantala, sa Barangay Macayug, San Jacinto, naaresto rin ang isa pang lalaki matapos bumili ng isang poseur buyer ng sachet ng hinihinalang shabu mula sa suspek.

Nakumpiska sa operasyon ang isang sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money na ₱500.

Nahaharap ang mga naaresto sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments