Inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Romulo Highway sa Poblacion area ng Bugallon, Pangasinan sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 1, 2026, kaugnay ng pagdiriwang ng Kalutan ed Dalan bilang bahagi ng ika-106 na Town Fiesta ng bayan.
Batay sa inilabas na traffic advisory, ipatutupad ang mga pagbabago sa daloy ng trapiko mula alas-5 ng umaga sa Nobyembre 30 hanggang alas-5 ng umaga sa Disyembre 1.
Pinapayuhan ang mga motorista na sundin ang mga itinalagang alternatibong ruta para sa mga light at heavy vehicles upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko sa lugar.
Pinapayuhan din ang publiko na planuhin nang maaga ang kanilang biyahe at maglaan ng sapat na oras sa paglalakbay.
Hinihiling naman ang kooperasyon ng mga motorista upang matiyak ang maayos at ligtas na daloy ng trapiko sa gitna ng pagdiriwang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








