SUSPENSYON SA KLASE SA BAYAN NG LINGAYEN, IPINATUPAD

Ipinatupad ngayon ng lokal na pamahalaan ng Lingayen ang suspensyon sa klase ng mga mag-aaral sa bayan.
Sa bisa ng Executive Order No. 17, series of 2023, ipinatupad ang suspensyon sa klase ng lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa bayan bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Bagoong Festival sa darating na March 16, 2023.
Ayon sa resolusyon layunin umano ito upang makadalo at maipakita ng mga kabataan ang partisipasyon ng mga ito sa pagbubukas ng kapistahan ngayong taon.

Pinirmahan ang naturang resolusyon ng alkalde ng bayan ng Lingayen. |ifmnews
Facebook Comments