
Umaabot sa mahigit ₱6.7-billion ang halaga ng kahina-hinalang bank transactions ni Vice President Sara Duterte at mister na si Atty. Manases Carpio batay sa report ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na tinalakay sa impeachment hearing ngayon ng House Committee on Justice.
Ayon kay AMLC Executive Director Ronel Buenaventura, batay sa kanilang system, database, o record, ang mga sinitang bank transaction ay mula 2006 hanggang 2025.
Binanggit ni Buenaventura na sa naturang halaga ay P3.77 billion ang konektado sa bank accounts ni VP Duterte at P2.99 billion kay Carpio.
Sabi ni Buenaventura, 17 sa 313 covered transactions sa account ni Duterte ang kahina-hinala habang 16 naman sa 317 covered transactions ng kanyang mister.
Binanggit ni Buenaventura na P1.83 billion ang inflow o pumasok na pera sa bank accounts ni Duterte habang P2.59 billion naman kay Carpio o kabuuang P4.43 billion.
P1.21 billion naman ang outflow o na-withdraw sa account ni Duterte at P343.32 million sa account ni Carpio.
Bukod dito ay napunta din ng AMLC ang trend ng paglobo ng bank transactions ni Duterte noong 2007 na umabot sa P208.15 million.
Lalo pa ito ng lumaki noong 2009 at 2013 na may taunang average na P400 million.










