Tatlo kabilang ang limang buwang gulang na sanggol, patay sa sunog ngayong New Year’s day sa Caloocan City

573

Malungkot na balita ngayong New Year’s day, tatlo miyembro ng isang pamilya ang patay sa sunog kaninang madaling araw sa Caloocan City.

Sumiklad ang sunog kaninang alas-4:20 ng madaling araw sa residential area sa Malonzo Compound sa 4th Avenue, Barangay 49, sa nasabing lungsod.

Patay dahil sa suffocation ang maglive-in partner na kapwa 19-anyos at ang limang buwang gulang nilang sanggol.


Umabot sa unang alarma ang sunog na agad din naapula ng Bureau of Fire Protection.

Nasa 42-residente naman ang naapektuhan ng sunog.

Sa ngayon ay inaalam na ng BFP kung saan nagsimula ang naturang sunog.



Facebook Comments