Tatlo, patay habang apat, sugatan sa shooting incident sa isang street party sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Makati City.

1893

Tatlo ang patay habang apat ang sugatan sa shooting incident sa isang street party sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Makati City.

Ayon sa Makati City Police, dead on the spot ang dalawa sa mga biktima na sina Raymond Libaton, 52-anyos at Petreño del Rosario, 50-anyos.

Dead on arrival naman sa ospital ang anak ni Libaton na si Francis Lloyd, 21-anyos.


Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, dumaan ang suspek na si Roderick Perez at anak nitong babae sa grupo ng mga nagpa-party sa isang street sa Barangay Rizal.

Dito na nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng suspek at ilang katao doon.

Agad namang naawat ng mga residente ang mga ito pero pagbalik ng suspek mula sa kanyang bahay ay may hawak na itong Cal. 45 na baril at pinagbabaril ang mga biktima.



Agad naman sumuko ang suspek sa otoridad at nahaharap ngayon sa kasong Murder at Multiple Attempted Murder.

Facebook Comments