Wednesday, April 29, 2026

TATLONG KATAO, TIMBOG DAHIL SA KASONG ESTAFA SA MANAOAG

Tatlong indibidwal ang magkakahiwalay na inaresto ng kapulisan sa Manaoag, Pangasinan dahil sa kasong estafa sa serye ng operasyon ng Manaoag Municipal Police Station noong Abril 28, 2026.

Unang nadakip dakong alas-6:20 ng gabi ang isang 58-anyos na karpintero, kasunod ang isang 48-anyos na babaeng residente ng nasabing bayan.

Pagsapit naman ng gabi, isang 55-anyos naman na magsasaka ang huli na pawang residente rin ng Manaoag.

Isinagawa ang mga pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong estafa na may itinakdang piyansang ₱18,000 bawat isa.

Ayon sa pulisya, walang insidenteng naitala sa operasyon at ang tatlong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Manaoag MPS para sa kaukulang proseso ng batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments