Thursday, April 23, 2026

20 Chinese nationals na over stay na sa bansa at ilegal pang nagmimina, arestado sa Davao de Oro

Arestado ng Philippine Army sa isinagawang immigration operation na pinangunahan ng Bureau of Immigration (BI) ang 20 Chinese nationals sa Davao de Oro, kahapon Abril 22.

Habang isinasagawa ang operasyon laban sa mga mga dayuhan ay nadiskubre ang umano’y ilegal na aktibidad ng pagmimina sa lugar matapos hindi makapagbigay ng kaukulang dokumento or permit ang mga ito.

Dito na nadiskubre pa ng mga otoridad ang mga mineral resources, heavy equipment, pampasabog at Chinese People’s Liberation Army (PLA) uniforms, na posibleng may kaugnayan sa iba pang mas maraming ilegal na pagmimina.

Dagdag pa nito, napagalaman na overstay na sa bansa ang nasabing mga dayuhan.

Kaugnay nito,nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940 at Republic Act 7942, o ang Philippine Mining Act of 1995.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa ilegal na pagmimina at sa posibleng implikasyon nito sa seguridad lalo na sa pagkakasangkot ng mga nasabing foreign nationals.

Facebook Comments