
Cauayan City – Napabilang ang tatlong propesor ng Computer Science Department ng ISU Echague sa Top 100 Scientists in the Philippines para sa taong 2025 sa kategoryang Engineering & Technology / Computer Science.
Nakamit ni Dr. Edward Panganiban ang ika-tatlumput isang (31) pwesto, si Dr. Albert A. Vinluan na nakamit ang rank 67, habang rank 84 naman si Dr. Jesusimo L. Dioses Jr.
Ang nasabing ranggo ay batay sa isang globally recognized academic platform na sumusuri sa mga siyentipiko batay sa impact ng kanilang pananaliksik, bilang ng citations, at kontribusyon sa kanilang larangan.
Ipinagmamalaki ng pamantasan ang kahusayan ng mga propesor sa kanilang mga pagsisikap sa pananaliksik, na nagdala sa kanila sa listahan ng pinaka-maimpluwensyang siyentipiko sa bansa.
Ayon sa kanila, ang tagumpay na ito ay hindi lamang nagdadala ng karangalan sa ISU, kundi nagsisilbi ring inspirasyon sa mga batang mananaliksik na ipagpatuloy ang kanilang pagsusumikap sa larangan ng agham at teknolohiya.
Dahil sa pagkilalang ito, mas pinagtitibay ng ISU ang dedikasyon nito sa paglinang ng isang research-driven ng isang nangungunang institusyon sa pananaliksik sa computer science at engineering sa Pilipinas.