
Nagsagawa ng kauna-unahang expert talks ang Philipine Army at German Army sa Fort Bonifacio, Taguig City, kahapon.
Ang nasabing expert talks ay magsisilbi bilang inisyal na platform para malaman ang mga areas of cooperation partikular na sa edukasyon at pagsasanay ng bawat sundalo ng nasabing dalawang bansa.
Ito rin ay magpapaunlad sa mabuting hangarin, pagtitiwala at parehong beneficial na inisyatiba bilang panguna sa Terms of Reference (TOR).
Pinangunahan ni Col. Benjamin L. Leander, Philippine Army Assistant Chief of Staff for Plans, G5, at Col. David Y. Gilardy, Head ng German Army International Cooperation Branch, ang delegasyon ng dalawang mga nasabing kasundaluhan.
Facebook Comments










