Nagkakaisa ang bayan ng Calasiao sa pagbibigay ng saya at pagmamahal sa mga batang higit na nangangailangan ngayong Kapaskuhan sa pamamagitan ng “One Teddy Bear, One Real Hug” Christmas Campaign.
Inaanyayahan ng mga tagapag-organisa ang publiko na makiisa sa nasabing proyekto sa pamamagitan ng pagdo-donate ng teddy bears na ipamamahagi sa mga bata bilang munting regalo ngayong Pasko.
Ayon sa kampanya, hindi kailangang malaki ang maibigay upang makapaghatid ng kaligayahan. Sa simpleng pagbibigay ng isang teddy bear, maaari nang makapagbigay ng ngiti, pag-asa, at pakiramdam ng pagmamahal sa isang bata.
Maaaring ihulog ang mga donasyong teddy bear sa Municipal Lobby ng Calasiao Municipal Hall.
Nakatakdang ipamahagi ang mga nakalap na teddy bears sa December 4, 2026, alas-kuwatro ng hapon, sa Christmas Village sa Calasiao Public Plaza.
Sa pamamagitan ng kampanyang ito, hinihikayat ang bawat isa na maging bahagi ng isang simpleng pagkilos na maaaring mag-iwan ng malaking ngiti at masasayang alaala sa puso ng mga bata ngayong Pasko.
| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










