TIMBOG | Posibleng kasabwat ng 2 security screener na nangupit sa isang turistang Hapones, iniimbestigahan na rin ng MIAA

Manila, Philippines – Iniimbestigahan na rin ng Manila International Airport Authority kung may kasabwat ang dalawang security screener na nahuling nagnakaw ng pera ng isang turistang Hapones sa NAIA.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal – 300 Australian dollars lang ang naibalik sa dayuhan at nawawala pa ang natitirang 1, 400 dollars.

Aniya, posibleng may kasabwat pa ang dalawa kung saan nila naibigay ang pera.


Nauna nang kinasuhan ng miaa ang dalawang tauhan ng Office of the Transportation Security.

Muli namang nagpaalala si Monreal sa mga pasahero na agad i-report sa airport police ang sinumang tauhan ng paliparan na magbubukas sa kanilang mga bagahe.

Aniya, tanging mga pasahero lang ang pinapayagang magbukas ng sarili nilang mga gamit.

Facebook Comments