Saturday, April 18, 2026

Rep. Garbin, umaasang isisiwalat ni Zaldy Co ang lahat ng nalalaman

Umaasa si Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin na isisiwalat ni dating congressman Zaldy Co ang lahat ng nalalaman nito ukol sa budget insertions at flood control scam.

Sinabi ito ni Garbin kasunod ng anunsyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr na naaresto na si Co sa Prague, Czec Republic.

Naniniwala si Garbin na maraming pang hindi nasasabi si Co.

Ayon kay Garbin na sa tamang panahon at kung mabibigyan ng due process si Co sa ilalim ng ating batas ay masasabi nito ang lahat nyang nalalaman.

Si Co ang dating kinatawan ng Ako Bicol Partylist na kinakatawan ngayon ni Garbin.

Facebook Comments