2 LALAKI, ARESTADO SA PAGDADALA NG BARIL SA PAOAY; WALANG PERMIT, ARMAS NA-KUMPISKA

Dalawang lalaki ang inaresto matapos mahulihan ng baril at bala sa isang operasyon ng pulisya sa loob ng isang establisyemento bandang 10:53 ng gabi.

Ayon sa mga awtoridad, isinagawa ang operasyon bilang bahagi ng Oplan Bakal sa isang bar sa bayan. Sa inspeksyon, napansin ng mga operatiba ang isang sling bag na may nakikitang bahagi ng baril.

Nang beripikahin ang dalawang suspek na nasa isang mesa, nabigo silang makapagpakita ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR), dahilan para agad silang arestuhin.

Nakumpiska sa kanila ang isang baril at isang loaded magazine na may limang bala.

Sinabi ng pulisya na maayos na isinagawa ang pag-iimbentaryo at pagmamarka ng ebidensya alinsunod sa Republic Act No. 10591.

Patuloy na nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments