Tuesday, May 5, 2026

Impeachment kay VP Sara, tiyak makakakuha ng kailangang boto sa plenaryo ng Kamara

Tiwala si House Committee on Public Accounts at Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon na makakakuha ng kailangang 106 votes mula sa mga kongresista ang impeachment kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ito ni Ridon sa harap ng nakatakdang pagsalang sa plenaryo sa susunod na linggo ng committee report ng House Justice Panel na nagsusulong ng Articles of Impeachment laban kay VP Sara.

Umaasa si Ridon na maninindigan pabor sa impeachment ang 55 na mga miyembro ng komite na nagpatibay sa rekomendason na may probable cause o batayan ang 2 impeachment complaints laban kay VP Sara.

Ayon kay Ridon, mula sa naturang bilang ay kayang-kayang makamit ang 106 votes o baka humigit pa.

Magugunitang noong 19th Congress ay umabot sa 215 mga kongresista ang bomoto pabor sa pag-impeach kay VP Sara.

Facebook Comments