
Maikukunsidera pa ring mastermind ng maanomalyang flood control projects si dating Speaker Martin Romualdez.
Ito ang iginiit ni Senator Rodante Marcoleta matapos ang naunang pahayag ni Romualdez na hindi siya ang utak ng katiwalian at ang idiniin ay sina Senator Chiz Escudero at dating Cong. Zaldy Co.
Sa privilege speech, sinabi ni Marcoleta na maikukunsidera pa ring mastermind ng flood control projects scandal si Romualdez dahil kinunsinti sa ilalim ng kanyang pamunuan ang isang sistema kung saan namayagpag ang katiwalian.
Tinukoy ni Marcoleta na wala namang gagalaw sa Kamara kung walang kumpas o hudyat mula sa lider nito na noo’y si Romualdez.
Punto ng senador, ang House Speaker ay hindi lang ceremonial figure at hindi rin passive participant na tanggap lang ng tanggap kundi ito ay sentro ng kapangyarihan na kumokontrol ng legislative agenda, nakakaimpluwensya sa gawa ng komite at siyang nagdedetermina ano ang tatalakayin sa plenaryo ng Kamara.










