Nagsimula ang aktibidad alas-8 ng umaga sa pangunguna ng Rural Health Unit (RHU) ng bayan, katuwang ang ilang pribadong healthcare providers, bilang bahagi ng Medical Mission 2026.
Ayon sa RHU, target ng programa na mabigyan ng libreng tuli ang hanggang 300 benepisyaryo at bukas ito sa lahat ng edad.
Sinabi ni Binmaley Mayor Pedro A. Merrera III na layunin ng programa na matulungan ang mga residente na makaiwas sa mataas na gastusin sa pagpapatuli sa mga pribadong klinika.
Noong nakaraang buwan, umabot din sa 215 residente ang nakinabang sa unang batch ng libreng tuli sa bayan.
Bukod sa libreng tuli, nagkaroon din ng libreng konsultasyon at minor operation para sa cyst sa naturang medical mission.
Samantala, inanunsyo rin ng lokal na pamahalaan na magsasagawa ito ng libreng theoretical driving course sa Mayo 9.





