BAGONG BARANGAY HALL SA PALINA WEST, PINASINAYAAN; MGA RESIDENTE UMAASA SA MAS MAAYOS NA SERBISYO

Pormal nang pinasinayaan ngayong Mayo 4 ang bagong gusali ng Barangay Hall sa Barangay Palina West, isang proyektong inaasahang magpapabuti sa paghahatid ng serbisyo sa mga residente.

Ayon kay Urdaneta City Mayor Julio Parayno III, itinayo ang bagong barangay hall na may layuning umano na makapagbigay ng mas maayos at episyenteng sentro ng pamamahala para sa barangay.

Gayunman, umaasa ang mga residente sa nasabing barangay na hindi lamang sa imprastraktura magtatapos ang inisyatiba, kundi masusundan ito ng konkretong programa para sa ikabubuti ng lahat.

Sa panig naman ng barangay officials, tiniyak nila na magsisilbing sentro ang bagong gusali para sa mas maayos na koordinasyon ng mga programa at mas mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng komunidad.

Samantala, hinihikayat ang mga residente na maging aktibo sa pakikilahok sa mga barangay program upang matiyak na mapapakinabangan nang husto ang bagong pasilidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments