Naaresto ng Balungao Municipal Police Station (MPS) ang Top 2 Municipal-Level Most Wanted Person na may kinakaharap na dalawang kaso ng Statutory Acts of Lasciviousness.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas laban sa suspek. Nakatakda namang ₱180,000 ang piyansa sa bawat kaso.
Nasa kustodiya na ng Balungao MPS ang suspek habang hinihintay ang kaukulang proseso ng korte.
Ang pag-aresto ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng Balungao MPS laban sa mga wanted na indibidwal sa kanilang lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











