Thursday, November 19, 2026

KONSTRUKSYON NG DEEP WELL PROJECT SA INFANTA, PANGASINAN, UMUUSAD NA

Umuusad na ang konstruksyon ng isang deep well project sa bayan ng Infanta, Pangasinan bilang bahagi ng isinusulong na pagpapabuti sa sistema ng patubig sa lugar.

Kasalukuyan nang isinasagawa ang proyekto sa Labtang Water Source sa ilalim ng unang yugto ng proyektong “Improvement of Infanta Water System”.

Layunin ng proyekto na mapalakas ang pinagkukunan ng tubig sa bayan upang matiyak ang mas sapat, maaasahan at tuloy-tuloy na suplay ng malinis na tubig sa mga kabahayan.

Inaasahan na sa sandaling makumpleto ang proyekto ay mas mapabubuti ang serbisyo ng tubig at matutugunan ang pangangailangan ng mga residente sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ito ng kanilang patuloy na pagsisikap na palakasin ang mga imprastraktura at serbisyong pampubliko para sa kapakanan ng mga mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments