SOLAR LIGHT AT PABAHAY, IPINAMAHAGI SA ISANG PAMILYA SA DASOL; MGA RESIDENTE, NAKINABANG SA FOOD PACKS

Nakatanggap ng tulong ang mga residente ng Barangay Viga, Dasol, Pangasinan matapos magsagawa ng outreach activity ang R-PSB Team ng 105th Maneuver Company, Battalion Headquarters noong Oktubre 6, 2026.

Pinangunahan ng team ang pagpapabasbas at turnover ng indoor solar light at Pabahay Project para sa isang pamilya sa barangay.

Isinagawa ang aktibidad katuwang si Robert Pamintuan, ang company stakeholder; Eugenio De Guzman, ang kapitan ng Barangay Viga; at Jomari Octavio ng Adventist Church.

Bukod sa pamamahagi ng solar light at pabahay, nagsagawa rin ang team ng feeding program at namahagi ng grocery packs sa mga residente ng Barangay Viga.

Batay sa ulat, target umano ng outreach activity na makatulong sa pangangailangan ng mga residente at mapalakas ang ugnayan ng mga security personnel at komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments