Arestado ang City’s Top 2 Most Wanted Person na isang 21-anyos na lalaki dahil sa kasong statutory rape sa Brgy. Poblacion Oeste, Dagupan City noong Abril 21, 2026.
Ayon sa Dagupan City Police Office (DCPO), kinilala ang suspek na residente ng Brgy. Bonuan Gueset at arestado ito sa pinagsamang operasyon ng Police Station 6, City Investigation and Detective Management Unit (CIDMU), City Mobile Force Company (CMFC), at City Intelligence Unit (CIU).
Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Statutory Rape (Art. 266-A (1) in relation to Art. 266-D ng Revised Penal Code), kung saan walang inirekomendang piyansa.
Agad siyang dinala sa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon habang nagpapatuloy ang proseso ng kaso laban sa kanya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








