Ayon sa ulat ng City of San Fernando Police Station, sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang yunit at sa PDEA Regional Office 1, nadakip ang suspek matapos nitong ibenta sa isang undercover operative ang hinihinalang shabu.
Nasamsam mula sa operasyon ang humigit-kumulang isang gramo ng hinihinalang shabu, na tinatayang may halagang ₱6,800.
Narekober din ang cellphone ng suspek at marked buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Agad na dinala ang suspek sa City Health and Wellness Center para sa medico-legal examination bago itinurn-over sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon.
Kasalukuyang inihahanda ang mga kaukulang kaso laban sa suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa batas hinggil sa ilegal na droga dahil sa umano’y tuwirang pagbebenta ng shabu sa mga awtoridad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








