Monday, April 20, 2026

UMABOT 15,000 KATAO ANG DUMALO SA MANGO-BAMBOO FESTIVAL 2026, NA TINATAYANG CROWD RECORD BREAKING SA SAN CARLOS CITY

Naitala ang pinakamalaking bilang ng mga dumalo sa kasaysayan ng Bamboohan matapos dagsain ng tinatayang 12,000 hanggang 15,000 katao ang ginanap na selebrasyon bilang bahagi ng Mango-Bamboo Festival 2026. Mula sa iba’t ibang bayan ng Pangasinan at karatig na La Union, nagtipon ang mga residente at bisita upang saksihan ang engrandeng gabi ng musika at kasiyahan.

Tampok sa nasabing event ang mga kilalang artista at performers na nagbigay ng makulay at enerhiyang pagtatanghal na labis na ikinatuwa ng mga manonood.

Ayon sa mga organizer, ang naturang crowd turnout ang pinakamalaki na naitala sa Bamboohan, patunay na paglago at kasikatan ng pista sa rehiyon. Ipinakita rin nito ang matibay na suporta ng mga mamamayan sa mga lokal na aktibidad na nagtataguyod ng kultura at turismo.

Samantala, hinikayat naman ang mga dumalo na ibahagi ang kanilang karanasan at mag “attendance check” sa social media bilang bahagi ng pakikiisa sa selebrasyon.

Patuloy na inaasahan ang mas marami pang aktibidad sa mga susunod na araw ng pista, na naglalayong higit pang pasiglahin ang turismo at pagkakaisa ng komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments