Tuesday, April 21, 2026

Hirit ni House speaker na magpagamot sa labas bansa, hindi sinang-ayunan ng Ombudsman; AMLAC, hiniling na i- freeze ang ari-arian ni Romualdez

Hindi sinang-ayunan ng Office of the Ombudsman ang hirit ni dating House Speaker Martin Romualdez na makalabas ng bansa.

Sa isang press briefing, sinabi ni Ombudsman esus Crispin Remulla na ayaw na nilang maulit ang naging kaso ni dating Congressman Zaldy Co na nagpaalam na magpapagamot abroad bansa, pero hindi na bumalik ng bansa.

Sa ngayon ay wala pa silang impormasyon kung nakalabas na ng bansa si Romualdez.

Humihiling umano ang dating House speaker ng limang araw na medical check up sa Singapore.

Hiniling na rin ng Ombudsman sa Anti Money Laundering Council na i-freeze ang mga assets o ari arian ni Romualdez.

Iniimbestigahan na rin kasi si Romualdez sa kasong money laundering.

Aniya, matagal na nila itong hinihintay na high level personality na sangkot sa mga maanomalyamg infrastructure projects ng pamahalaan.

Facebook Comments