Naging mas madali at accessible para sa mga mamamayan ng San Fabian ang pag-avail ng mga serbisyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pamamagitan ng pagsasagawa ng BIR Serbisyong Mabilis sa Atrium ng Municipal Building noong Hunyo 16, 2026.
Pinangunahan ng Bureau of Internal Revenue Revenue District Office No. 4 – Central Pangasinan ang programa bilang bahagi ng patuloy nitong pagsisikap na ilapit ang mahahalagang serbisyo ng ahensya sa mga komunidad at gawing mas maginhawa ang pagproseso ng mga transaksyong may kaugnayan sa buwis at pagpaparehistro.
Kabilang sa mga serbisyong inihandog sa publiko ang aplikasyon para sa Taxpayer Identification Number (TIN), pagkuha ng Digital TIN ID, business registration, at iba pang kaukulang serbisyo ng BIR.
Nakatulong ang aktibidad upang mabigyan ang mga residente ng pagkakataong maisagawa ang kanilang mga transaksyon nang hindi na kinakailangang bumiyahe sa malalayong tanggapan ng ahensya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








