
Kinumpirma ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na dumating na sa bansa kagabi ang
38 Filipino seafarers na sakay ng MV Hondius.
Ang naturang cruise ship ay nagkaroon ng mga sakay na turistang nagpositibo sa hantavirus.
Ang mga Pinoy crew ay pawang negatibo naman sa hantavirus pero tinapos muna nila ang kanilang quarantine sa The Netherlands bago umuwi ng Pilipinas.
Tiniyak naman ni Cacdac na patuloy na makakatanggap ng sweldo ang Pinoy seafarers kahit nasa Pilipinas na sila.
Ito ay hanggat hindi aniya nag-eexpire ang kanilang kontrata sa kanilang shipowner.
Facebook Comments










