Tuesday, November 24, 2026

14 NA SENIOR CITIZEN SA BAYAMBANG, TUMANGGAP NG CASH GIFT SA ILALIM NG EXPANDED CENTENARIANS ACT

Labing-apat na kwalipikadong senior citizen sa bayan ng Bayambang, Pangasinan ang tumanggap ng cash gift mula sa pamahalaan sa ilalim ng Republic Act No. 11982 o Expanded Centenarians Act, sa isinagawang payout noong Nobyembre 16, 2026.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang isang centenarian na tumanggap ng ₱100,000 bilang pagkilala sa pag-abot sa edad na 100 taon, habang tig-₱10,000 naman ang ipinagkaloob sa 13 senior citizen na kabilang sa edad 80 hanggang 99.

Alinsunod sa RA 11982, ang mga kwalipikadong senior citizen ay may karapatang makatanggap ng ₱10,000 cash gift sa pag-abot sa edad na 80, 85, 90 at 95, habang ₱100,000 naman ang matatanggap sa pagdiriwang ng kanilang ika-100 kaarawan.

Layunin ng naturang programa na kilalanin at bigyang-pugay ang mahahalagang ambag ng mga nakatatanda sa lipunan, gayundin ang matiyak na natatanggap nila ang mga benepisyo at tulong na nararapat para sa kanila.

Patuloy namang isinusulong ng NCSC ang mga programang nagbibigay-halaga sa kapakanan, dignidad at karapatan ng mga senior citizen sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments