Transport strike, pinaniniwalaan na may nagpondo

Kinuwestiyon ng National Center for Commuter Safety and Protection Inc., ang kredibilidad ng transport groups na lalahok sa isang linggong tigil-pasada sa susunod na linggo.

Ayon sa grupo, kaduda-duda na masyadong malakas ang loob ng mga tsuper na magtigil-pasada sa loob ng isang linggo kahit na alam nilang malaking dagok ito sa kanilang kita.

Naniniwala ang nasabing grupo na may nagpondo na malalaking personalidad sa gagawing transport strike.


Aniya, tulad noon, may mga taong may pansariling interes ang nag-udyok sa mga tsuper na magtigil-pasada ng buong linggo.

Facebook Comments