Friday, May 8, 2026

Franco Mabanta, saglit lamang nagtrabaho kay PBBM noong 2018 — Palasyo

Tumagal lamang ng anim na buwan ang pagtatrabaho ni Peanut Gallery Media Network founder Franco Mabanta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ang paglilinaw ng Malacañang sa patuloy na pag-uugnay ng ilan kay Mabanta at Pangulong Marcos Jr. matapos itong arestuhin ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa extortion.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, 2018 pa nagtrabaho si Mabanta bilang social media director ni PBBM.

Wala rin daw siyang ideya kung nananatili pang close ang pangulo at si Mabanta ngayon at kung may ginampanan din ito sa kampanya noong 2022 elections.

Una na kasing sinabi ni Castro na hindi magkaibigan ang dalawa kasabay ng pagpapakita ng mga resibo ng mga larawan nina Mabanta kasama sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, VP Sara Duterte at mga kaalyado.

Facebook Comments