
Kinumpirma ng Korte Suprema na pinagkokomento nila si Senate President Vicente Sotto III sa petisyong humihiling na patawan siya ng indirect contempt.
Ito ay kaugnay sa naging pahayag noon ni Sotto sa isang panayam na susuportahan na niya ang Charter Change dahil pwede naman umanong galawin ng Supreme Court ang Konstitusyon.
Nag-ugat ito sa desisyon ng SC na nagdeklarang unconstitutional o labag sa Saligang Batas ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Inilabas ang resolusyon noong April 8 na nagbibigay ng 10 araw sa respondent para magkomento pero wala pang pahayag ang SC kung nakapagsumite na sa ngayon.
Inihain nina Atty. Ferdinand Topacio ang petisyon nitong Pebrero para hilingin na ipa-contempt si Sotto dahil sa umano’y pambabastos sa Kataas-taasang Hukuman at kalabisan sa pahayag na nakasira umano sa insitusyon.










