Wednesday, November 18, 2026

DALAWANG WANTED, ARESTADO SA BUY-BUST; SHABU AT BARIL, NASAMSAM SA URDANETA CITY

Arestado ang dalawang lalaking wanted sa batas matapos masamsam sa kanila ang mahigit tatlong gramo ng hinihinalang shabu at isang kalibre .38 na baril sa isinagawang buy-bust operation sa Urdaneta City, Pangasinan.

Ayon sa pulusya, kinilala ang mga suspek na isang 32-anyos na helper at isang 30-anyos na mekaniko, kapwa residente ng Urdaneta City.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Urdaneta City Police Station sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 noong Nobyembre 17, 2026.

Nakumpiska sa operasyon ang tatlong heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng 3.26 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na ₱22,168, gayundin ang isang kalibre .38 na revolver na walang serial number at isang bala nito.

Narekober din ang ₱500 buy-bust money, isang coin purse, isang cellphone at isang sling bag.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments