Wednesday, November 18, 2026

MGA MAG-AARAL SA CERVANTES, ILOCOS SUR NAKATANGGAP NG LIBRENG GUPIT AT SUPPLEMENTAL FEEDING

Nakatanggap ng libreng gupit at karagdagang pagkain ang mga mag-aaral ng Tam-awan Primary School sa Barangay Aluling, Cervantes, Ilocos Sur sa isinagawang community outreach program ng mga tauhan ng 102nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1).

Bukod sa mga serbisyong ito, nagsagawa rin ang mga pulis ng lecture tungkol sa anti-bullying upang maturuan ang mga bata tungkol sa epekto ng pambubully at kahalagahan ng paggalang sa kanilang mga kapwa mag-aaral.

Naging bahagi rin ng aktibidad ang Zumba exercise na naglalayong hikayatin ang mga mag-aaral na maging aktibo at pangalagaan ang kanilang kalusugan.

Isinagawa ang programa sa Sitio Tam-awan sa pamamahala ni School Head Ma’am Elviera Bantas.

Layunin nitong matugunan ang ilang pangangailangan ng mga mag-aaral habang nagbibigay ng kaalaman tungkol sa kalusugan, disiplina at ligtas na kapaligiran sa paaralan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments